Biyernes, Oktubre 3, 2014

ORGANIKONG PAGSASAKA

ORGANIKONG PAGSASAKA PAUNANG SALITA: Masasabing sa isang tropical na bansa gaya nang Pilipinas,ang pagsasaka ang nangunguna sa pangunahing hanapbuhay. Mula sa isang maliliit na butil ay maaari ng suportahan ang pangangailangan ng bansa . Subalit sa pagtatanim nitong mga butil , ay kailangang isaalang–alang ang wastong hakbangin, sa kung papaano ba ito pangangalagaan mula sa simpleng pagtatanim hanggang sa mapayabong ang mga ito. Ang pagsasaliksik na ito ay mas bingyang diin ang programa sa pagbibigay hakbang sa kung paano ba sa panahong ito mas maiiwasan ang paggamit ng ibat-ibang artipisyal na inilalagay na mga magsasaka sa kanilang taniman, na maaring makaapekto sa kalikasan at lalo’t higit sa mga mamamayang kumokonsomo nito . Binigyang halaga rin ng pananaliksik na ito na kung paano ba hindi gagamit ng hindi organikong pataba (fertilizer),pamatay insekto (insecticide),pamatay peste(pesticide) at iba pang ginagamit sa paghahalaman upang mapayabong ang mga ito Nasasaklaw ng aralin na ito ang mga pakinabangng paggamit ng organiko kontra artipisyal na pamamaraan sa pagtatanim . Mas makakatulong ito para sa atin upang mas maging bukas ang ating isipan sa kung ano ang dulot ng likas at di likas na paghaha laman. Maka- tutulong sa atin ang mga ito di lamang sa pag nagdaan lalo’t higit sa pang kasalukuyan.Ang produksyon ng halamang organiko Organikong pagtatanim, panlaban sa Climate Change Ayon sa panukala ni Ben P. Pacris ng VIGAN CITY FEBRUARY 13, 2014 BY PHILIPPINE INFORMATION AGENCY REGION 1 Hinamon ni Asst. Regional Director Cesar Escobar ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang mga Ilokanong magsasaka na panahon na para maitaguyod ang organikong pagtatanim bilang panlaban sa matinding epekto ng Climate Change na pumipinsala sa sektor agrikultura. Ito ang idiniin ni Asst. Dir. Escobar sa naganap na Balikatan at Agricultural Night bilang bahagi ng taunang Kapistahan ng Heritage City noong nakaraang Linggo sa Plaza Salcedo na dinaluhan ng mga grupo ng mga magsasaka at kababaihan. “Lumiliit, umiiksi na ang mga taniman sa Ilokos dahil sa sobrang paggamit ng chemical fertilizers at pestisidio na nakakasira sa mga lupain,” iginiit ng opisyal ng DA. May mga lupaing pang-agrikultura na dapat sanang tamnan ng mga magsasaka ngunit itinayo na ang mga istrakturang pang- negosyo o pribadong tahanan kaya lumiliit na ang mga lupain maliban pa sa apekto ng Climate Change. Sinabi ng direktor na maigting na inilulunsad ang kampanya ng DA tungkol sa Organic Farming para mapangalagahan ang kapaligiran at maisalba pa ang mga natitirang lupain para sa Food Production Program ng gobyerno. Hinikayat pa niya ang mga magsasaka na magtanim ng mga hybrid crops o mataas na uri ng pananim tulad ng mais, palay, gulay at iba pang produkto para tumaas ang ani at income ng mga magsasaka. Tuloy-tuloy din ang ipinapatupad na pagsasanay ng mga magsasaka tungkol sa mga modernong teknolohiya at siyensya ng pagtatanim dahil ito na ang hamon sa makabagong panahon, sinabi ni Escobar , maliban pa sa mga seminar na tumutukoy sa mga “Best Parctices in Agriculture.” Samantala, inihayag ni Provincial Agriculturist Teofilo Quintal na bumaba na rin ang bilang ng mga magsasaka dahil nabibilang sa daliri ang mga nag-eenroll ng kursong agrikultura. “Tumatanda na ang mga magsasaka, tumatanda na rin ang mga agrikulturista sa DA, sino pa ang papalit sa kanila kung ang mga anak nila ay kukuha ng kursong engineer, teacher, accountant at iba pang profession,” ani Quintal. Nababahala ang opisyal ng DA na b aka darating ang panahon na wala nang mamamahala sa mga bukirin dahil mas in demand ang mga kursong pang- professional kaysa pang- agrikultura. (MCA/BPP/PIA -1 Ilocos Sur) Produksyon ng Halamang Organiko 1. Pagpili ng Halaman at Uri Nito http://www.darfu4b.da.gov.ph/produksyon%20ng%20halamang%20organiko.html Prosipyo blg.1 Pangkalahatang Prinsipyo: Hanggat maari ang mga uri ng halamanng itatanim ay dapat na: Prosipyo blg.2 Dapat na mapatunayang nagmula sa organikong proseso o sa loob mismo ng sakahan ang lahat ng uri ng binhi at gamit na pananim. Pinakamababang Pangangailangan Blg.2a Kung walang makukuhang organikong binhi, ang mga binhi mula sa kunbensyonal na pagsasaka ay pinapayagan kung ito ay hindi ginamitan ng kemikal. Prosipyo blg3 Hinihikayat ang lokal na produksyon ng binhi at progamang pang- kaunlaran ay dapat na hikayatin. Pinakamababang Pangangailangan Blg.3a Hindi pinapayagan ang paggamit ng transhenikong binhi (GMO), pananim o materyales mula dito. Prosipyo blg.4 Dapat na bigyan ng konsiderasyon ang pagkakaiba-iba ng henesyal sa papili ng binhi: Pagpapalit ng tanim at pamamaraan ng pangangasiwa ng lupa Ang pagpapalit- tanim ay gabay sa pagtatanim hanggat maari, ay dapat magkakaiba at may layunin na: • manatili ang katabaan ng lupa. • mai- iwas ang pagtakas ng sustansya • mabawasan ang pag-guho ng lupa • mapigil ang problema sa damo, peste at sakit. Pinakamababang Pangangailangan Blg.2a 1. Sa pagtatanim ng palay sa tubigan: Dapat na gawin kahit na isang beses sa isang taon ang pagtatanim ng green manure o pagpapalit ng legumbre o ibang uri ng halaman na kayang kumuha ng nitroheno 2. Sa insentibong pagtatanim ng gulay: Dapat na mayroong kahit isang legumbre sa bawat pagpapalit ng tanim sa loob ng tatlong taon. Dapat maitala ang uri ng tanim at panahon ng pagtatanim. 3. Sa mga pananim na higit pa sa isang taon: Dapat masigurado na ang pagsalit - salit ng tanim, o paglalagay ng kilib ay sapat na matatabunan ang lupa sa buong taon. 3. Polisiya sa Pagpapataba ng Lupa Ang programa ng pertilisasyon ay dapat ay may layuning mapanatili at muling mapataba ang lupa at mapataas ang boyolohikal na gawain sa loob nito: Prosipyo blg4 Dapat na dumaan sa proseso ng pagbubulok o fermentation o iba pa ang mga nabubulok na materyal na nagmula sa kumbensyonal na sakahan bago ilagay sa sakahan. Pinakamababang Pangangailangan Blg.3a Kung hindi sapat ang nabubulok na materyal mula sa organikong sakahan, maaring gumamit ng materyal mula sa kumbensyonal na sakahan, ngunit hindi ito lalampas mula 50% ng materyal ang gagamitin. Habang tumatagal, dapat mabawasan ang dami ng paggamit ng materyal mula sa kumbensyonal na sakahan. Hindi dapat lumampas sa 5 taon ang paggamit nito. Kung kinakailangan ng karagdagang aplikasyon ng organikong pataba, ang materyales na gagamitin ay dapat patunayang organiko o ginawa ng naayon sa nakasaad sa pangangailangan: Organikong materyal na nagmula sa organikong sakahan: Pinapahintulutang gamitin ang mga sumusunod ! • Dumi sa loob ng sakahan at ihi. • Mga inimbak na dume galing sa manukan. • Vermi compost o dumi ng bulati • Kompost galing sa tirang organiko • Green manure at green leaf manure. • Preparasyong bio- dynamic. • Azolla. • Tira na pananim ( dayami, mani atbp) • Pangkilib mula sa tira ng inaning tubo. • Mga dume sa kusina na pinagmumulan ng organikong materyales. • Kusot, mga produktong mula sa plantasyon. • Pinaglagyan ng organikong kabuti. • Oils cakes, mga produktong mula sa kiskisan atbp. • Mga organikong kompost ng tsaa/kape atbp. Maaring gamitin ang mga sumusunod ng may kondisyon! Dumi ng tao ( pagkatapos lamang ng anaerobic fermentation o pagbubulok sa pamamagitan ng mataas na temperatura ito ay maaring gamitin dahil sa panganib ng kontaminasyon. Hindi maaring gamitin ang mga sumusunod! • Dume sa imburnal ( dahil sa panganib ng kontaminasyon ng heavy metals ) Organikong bagay na mula sa kumbensyonal na sakahan. Maaring gamitin ang mga sumusunod ng may kondisyon! • Mga dume mula sa sakahan at ihi ( hindi dapat hihigit sa 50% ang gagamiting dume at ihi mula sa sakahang ito. Ito ay hindi dapat mula sa pagsasakang para sa pabrika. • Datyami, kusot produkto ng plantasyon, oil cakes, pangkikib at iba pang tira ng halaman. ( Ang pagdaragdag ng pinag- anihan ay hindi hihigit sa 50% ang paggamit. Bulukin muna eto bago gamitin. Organikong materyal mula sa iba pang mapagkukunang bagay Pinapahintulutang gamitin ang mga sumusunod ! • Preparasyong Biodynamic (ayon sa pagkakasunod sa paggawa nito) Maaring gamitin ang mga sumusunod ng may kondisyon! • Trichoderma, Rhizobium, preparasyon ng bakteryang Mychorrizza (Hindi pinapayagan ang paggamit ng GMO) • Kusot, balat ng kahoy, mga sanga, abo ( siguraduhin na ang mga kahoy ng ginamit ay hindi ginamitan ng kemikal) • mga produkto ng pagkain at industriya ng tela ( walang sentetikong sangkap) • Kompost na mula sa pinaglagyan ng kabuti, mula sa dume ng kusina na walang kontaminasyon at mula sa materyal na nakalista ( tamang pagbubulok bago ilagay.) • dugo, karne, buto at iba pang pagkain na walang halong pang preserba ( alamin ang hindi organikong pinagmulan.) • isda at produkto nito na walang pang- preserba ( alamin ang hindi organikong pinagmulan.) • Oil cakes ( alamin ang organikong pinagmulan.) • Guano ( alamin ang hindi organikong pinagmulan.) • Calcified seaweeds( alamin ang hindi organikong pinagmulan.) • Bio - fertilizer na nagmula sa mikrobyo ( labis na paglalagay, hindi pinapayagan ang GMO) Mula sa produktong mineral Maaring gamitin ang mga sumusunod ng may kondisyon! • Gypsum, limestone, batong magnesium ( panganib ng kontaminasyon at makasira ng likas na yaman. • dinurog na bato ( panganib na pagkasira ng likas na yaman at kuntaminasyon ng mabigat na metal o heavy metal. • Natural phosphates katulad ng batong phosphates, mineral at potassium na mayroon lamang kaunting chlorine, paggamit ng calcareous at magnesium sa pagtatama ( panganib na pagkasira ng likas na yaman at kuntaminasyon ng mabigat na metal o heavy metals. Dapat na mas mababa sa 90mg/kg ang lamang Cadmium. • Basic slag; maliliit na elemento ( Dapat na kilalanin ng programa ng septipikasyon ang pangangailangan nito. ( Panganib ng kontaminasyon) Hindi maaring gamitin ang mga sumusunod! • Dinurog na bato ( Mataas na nitroheno hal. Chilean nitrate) Prisipyo blg.4 Dapat na maging maingat upang maiwasan ang sobrang paglalgay ng dumi ng hayop at mu,la sa materyales ng halaman. Pinakamababang Pangangailangan Blg.4a: Hindi dapat lumabis sa 170 kilo Nitrogeno bawat ektarya bawat taon ang dapat ilagaysa lupa upang maiwasan ang labis na paglalagay ng nabubulok na materyal. Dapat itala ang lahat ng uri at dami ng patabang idinaragdag o inilalagay sa sakahan. Talan ng Paglalagay ng Nitrogeno Prosipyo blg.5 Dapat na makapagpababa ng pagkawala ng sustansya at bayolohikal na laman ng lupa ang pangangasiwa, paghawak at pagtatago ng dumi at kompost. Dapat na panitiliin ang ang tamang pH ng lupa parqa sa uri ng lupa at sa halamang itatanim. Dapat na dumaan sa proseso ng pagbubulok o fermentation o iba pa ang mga nabubulok na materyal na nagmula sa kumbensyonal na sakahan bago ilagay sa sakahan. Pinakamababang Pangangailangan Blg.5b: Dapat ay ilagay sa paraang hindi makakapagdulot ng masamang epekto sa kalidad ng halaman at kapaligiran( hal. Tubig sa ilalim at ibabaw ng lupa) ang mga organiko at mineral na pataba, partikular na ang mga matataas sa nitroheno (bone meal). Prosipyo blg 6 Nililimitahan ang paggamit ng dume ng tao. Dapat na iwasan ang pagkakaroon ng mabibigat na metal katulad ng Magnesuim, Iron, Boron at Mercury at iba pang sanhi ng polusyon Pinakamababang Pangangailangan Blg.6a: Hindi dapat na gamitin sa pagpaparami ng gulay na pagkain ng tao ang mga dumi ng imburnal at mga dume na naglalaman ng dumi ng tao na hindi ginamot, malinban na lamang kung ito ay produkto na prosesong "anaerobic fermentation" (ha. Biogas) o pagbubulok sa pamamagitan ng matas na temperatura Pinakamababang Pangangailangan Blg.6b: Hindi maaring ang mga mineral sa sakahan na maaring mayroong kasamang mabigat na metal at/o iba pang nakakalasong bagay. Ipinagbabawal ang paggamit ng sentetikong nitrohenong pataba kasama na ang urea. Prosipyo blg.7 Dapat magkaroon ng mga hakbangin upang maiwasan ang pagkalat ng peste, parasito at iba pa na maaring sanhi ng impeksyon. Prosipyo blg.8 Dapat na ituring na suplemento at hindi pamalit sa organikong pataba ang mag hindi sentetikong mineral na pataba at mga dinala sa loob ng sakahan ngunit sa bayolohikal na proseso. Pinakamababang Pangangailangan Blg.8a: Ang mga mineral na pataba na nakakasunod sa talaan ay maari lamang gamitin na kasama ang programa ng pertilisasyon na base sa nabubulok na materyal at sa kaso ng halatang kakulangan sa sustansya. Pinakamababang Pangangailangan Blg.8b: Dapat na gamitin ang mga mineral na pataba sa kanilang natural na komposisyon at hindi gawing mas madaling matunaw sa pamamagitan ng paggamit ng kemikal. 4. Komersyal na produksyon ng organikong pataba Prosipyo blg1 Ang produksyon ng organikong pataba ay inaasahan na base sa nabubulok na organikong halaman o materyal sa hayop o dumi nito. Ito ay dapat na base sa natural na nabubulok o proseso ng fermentation. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1a: Dapat na piliin ang mga uri ng sangkap na katutubo sa lugar sa produksyon ng organikong pataba. Maaring payagan ang mag sangkap mula sa kumbensyonal na sakahan sa mga lugar kung saan ang mga organikong agrikultura ay bago pa lamang, o hindi naipapakilala hanggang sa magkaroon na ng sapat na dame ng organikong materyal. Maaring gamitin ang iba pang malalaking elemento kung mga eto ay nakasulat sa talaan sa ibabaw. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1b: Maraming gumamit ng tamang preparasyon ng microorganism upang mabilis ang proseso ng pagbubulok. Hindi pinapayagan ang pagbabago ng henesya Pinapayagan ang vermicomposting! Ipinagbabawal ang paggamit ng sintyetikong nitrohenong pandagdag! Pinakamababang Pangangailangan Blg.1c:S A. Ang mga organikong pataba ay dapat na: • Hindi na dapat makilala ang orihinal na sangkap mula sa produktong organikong pataba. • ligtas sa sakit ang halaman at/o hayop na pagkukunan ng dumi bilang materyales sa organikong pataba. • mistulang lupa ang pagkakagawa. • naglalaman ng hindi kukulang sa 20% organikong materyal (0.m) kapag tuyo. • makapagbibigay ng sustansya sa halaman. Prosipyo blg2 Ang paraan ng pagproseso ay dapat na walang masamang epekto sa kalusugan ng tao at kapaligiran ang dapat ng bigyang konsiderasyon ang mga prinsipyong ekolohikal. Pinakamababang Pangangailangan Blg.2a: Dapat na maging maingat upang maiwasan ang kontaminasyon ng tubig sa ibabaw at ilalaim ng lupa dahil sa pagtagas ng sustansya mula sa nabubulok na materyales. Dapat na magtakda ng mga hakbangin para sa kaligtasan ng mga manggagawa katulad ng maskara,gwantes at bota. .... Ang pagbabalot ay dapat na maka- kalikasan, simple at hindi mapanlillang!!! 5. Pangagasiwa ng peste, sakit at damo Prosipyo blg1 Ang sistema ng organikong pagsasaka ay dapat na gawin sa paraang masisiguro na ang pagkalugi dahil sa peste, sakit at damo ay mababawasan. Kailangan din ang pagsisikap upang… …at iba pa! Prosipyo blg2 Dapat na pangalagaan ang natural na kaaway ng mga peste at sakit sa pamamagitan ng tamang pangagasiwa ng mga tirahan ng mga ito samantalang hinihimok ang halamang-bakod, pugad at iba pa. Pinakamababang Pangangailangan Blg.2a: Ipinagbabawal ang paggamit ng sintetikong pestesidyo ( herbisidyo, pamatay amag, insektisidyo, pamatay kuhol, nematisidyo, at iba pa). Pinakamababang Pangangailangan Blg.2b: Pinapayagan ang paggamit ng mga produktong para sa pangangasiwa ng peste, sakit at damo na mula sa lokal na halaman, hayop at maykroorganismo. Prosipyo blg3 Ang mga damo ay maaring pigilan sa pamamagitan ng ilang paraang kultura na na naglilimita ng kanilang paglago. Halimbawa: • angkop na pagpapalit ng halaman. • green manure • balanseng programa ng pertilisasyon. • maagang paghahanda ng punlaan. • pagkikilib • mekanikal na kontrol. Mga produktong maaring gamitin (o hindi) sa pagpigil ng peste at sakit: Pinapahintulutang gamitin ang mga sumusunod ! • Mekanikal na bitag • chromatic na bitag • plant-based repellents • silicates • propolis • langis mula sa hayop at halaman. • soft saop • gelatin • bio- dynamic preparations. Maaring gamitin ang mga sumusunod ng may kondisyon! • Pheromones, sa bitag at lalagyan lamang ( Panganib ng pagkawala ng balanse ng ekolohiya) • Pagpapakawala ng panila ng peste insekto (panganib na maimpluwensyahan ng baliktad ang lokal na ekosistem) • Copper salts at copper- based fungicide ( Maari lamang gamitin hanggang 8 kg/ha bawat taon. Panganib ng hindi piniling epekto at pagkakaroon ng mabigat na metal • Chlorine at lime soda ( panganib ng kawalang ng balanseng physiological) • Plastic mulches (panganib ng kontaminasyon) Ang mga sumusunod ay maaring magkaroon ng hindi piniling epekto: • Bentonite • sulfur at commercial sulfur • Potassium permanganate • light mineral oils • Diatomaceous earth • Neem ( Azadirachta indica) • Ugat ng Degris (Rotenone) • Pyrethrum (Chrysanthemum cinerariaefolium) • Ryania (Ryania speciosa) • Tobacco tea • Quassia ( Quassia amara) • Nemiatodicides mula sa likas ng pinagkukunan (hal. Tayestus na panglilib na mula sa likas na pinagkukunan) Hindi maaring gamitin ang mga sumusunod! • Sintetikong kemikal na pestesidyo Pinakamababang Pangangailangan Blg.2a: Dapat na linising mabuti at ligtas sa latak ang lahat ng kasangkapan na ginamit para sa paglalagay pestesidyo at pataba sa mga sakahan na hindi pa organiko kapag ginamit para sa mag pinapayagang materyal sa organikong sakahan. Subalit ang kasangkapang pang - spray ay kailangang gamitin lamang sa organikong sakahan. 6. Gamit sa pagkontrol sa paglaki Prosipyo blg.1 Ang paglaki at pagbabago ng halaman ay dapat na mangyari sa natural na paraan...! Ang mga produktong maaring payagan bilang pangkontrol sa paglaki ay halamang dagat o seaweeds. Hindi pinapayagan ang paggamit ng sintetikong produkto katulad ng paggamit sa pangkontrol ng paglaki (growth regulators) at pangkulay! 7. Kontrol sa Polusyon Prosipyo blg7 Lahat ng pamamaraan ay kinakailangang isagawa upang maiwasan ang kontaminasyon ng sentetikong pestesidyo at abono ng bukirin sa pamamaraang dala ng hangin, sa kanal at irigasyon. Kinakailangan ang paglalagay ng "buffer zone" sa pagitan ng kumbensyonal at organikong sinasakang bukirin kung ang pagkatangay ng kemikal na pang - agrikultura o iba pang sanhi nang polusyon ay maaring mangyari. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1a: Ang " buffer zone" ay maaring isang pilapil na natatanim ng mga puno na may sapat na dami. Ang mga produkto ng suffer zone ay hindi maaring ipagbili bilang organiko ngunit maaring gamiting pagkain ng hayop. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1b: Kinakailangan magsagawa ng pagsusuri ng mga produkto, pananim at/o kalidad ng lupa sa pagkakataon ng panganib o suspetsa na may polusyon. Ang lupon ng taga-sertipikasyon ang magpapasiya kung ang halaman ay maari ap ring maipagbili bilang organiko. Kailangang matukoy at ma - inspeksyon kung magkaroon ng polusyon at pagtatanggal ng septipikasyon ng bukid. Ipinatutupad dito ang mga pamantayan para sa kasabay na produksyon. Pinahihintulutan lamang bilang panaklob ang mga sumusunod: plastik na kilib,kulambo, at pambalot sa lalagyan, tanging mga produktong batay sa polyethylene at polypropylene o iba pang polycarbonates kung masisiguro na ligtas ang pagtapon nito. 8. Pangangalaga ng lupa at tubig Prosipyo blg.1 Ang sistema ng organikong pagsasaka ay kailangang idisenyo at pamahalaang mabuti ang pamamaraan laban sa pagtakas ng lupa at pag ubos ng yamang tubig. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1a: Hindi pinapayagan ang paglinis ng lupa sa pamamagitan ng pagsusunog ng organikong materyal! Kailangan ang pag sang ayon ng lupon ng taga pag sertipikasyon tungkol sa pagsusunog upang maitama ang pH. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1b: Kailangan ng nauugnay na hakbangin upang maiwasan ang pagtakas ng lupa at masigurado ang pagtitipid ng tubig. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1c: Kailangan ng nauugnay na hakbangin upang maiwasan ang labis at maling paggamit ng tubig at polusyon ng tubig sa ilalim at ibabaw ng lupa. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1d: Kailangan ng nauugnay na hakbangin upang maiwasan ang pag- alat ng lupa Pinakamababang Pangangailangan Blg.1e: Dapat ay may malapit na kaugnayan ang bilang ng hayop sa takdang lugar para sa mga ito upang maiwasan ang labis na pagkumpay, pag- guho ng lupa at polusyon ng tubig sa ibabaw at ilalaim ng lupa. 9. Pagkakaiba- iba sa produksyon ng Prosipyo blgy.1 Kailangang magkaroon ng sapat na pagkakaiba- iba ng mga pananim sa panahon at/o lugar na isinasaalang- alang ang problema na dulot ng mga insekto, damo, sakit at iba pang iba pang peste samantalang pinananatili at pinatataas nito ang organikong amut lt ng lupa, taba, gawaing mikrobyal at kalidad nito. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1a: Ang pagkakkaiba –iba ng pananim at sistema ng paghahalaman sa mag organikong sakahan ay kailangang pagsumikapan na matamo ang mga sumusunod na layunin: • Upang mapanatili at maitaguyod ang pakakaiba- iba na naaangkop sa amut na sistemang amut ltural. • Ang pagkakkaiba –iba ng pananim at sistema ng paghahalaman sa mag organikong sakahan ay kailangang pagsumikapan na matamo ang mga sumusunod na layunin: • Upang mapanatili at maitaguyod ang pakakaiba- iba na naaangkop sa amut na sistemang amut ltural. • Upang maitaguyod at mahikayat ng amut na halaman at hayop sa bukid na naaangkop sa sariling sistemeng amut ltural. • Upang makabuo ng mga palatandaan para sa sunod- sunod na pagsulong ng mga katutubong halaman at hayop. • Upang maitaguyod ang mga pananim ng mga bungang – kahoy at mga halamang amut sa kagubatan. • Upang makapagparami ng pangtaboy ( mga halaman na nagtattaboy ng mga peste) at pampa- akit mga halaman na nakaka – akit sa mag kapaki – pakinabang na insekto) • Kabilang sa sistema ng pag iiba – iba ng pananim ay ikoyt tanim, salin tanim, alley – cropping, usod tanim at antasang pagtatanim. 10. Koleksyon ng mag hindi nalilinang at malilit na produktong gubat. Prosipyo blg.1 Ang paraan ng pagkolekta ng maliit na produktong gubat ay kailangang positibong makatulong sa pagpapanatili ng mga natural na lugar.Dapt na pangalagaan ang interes ng mga tribo at kumunidad sa kagubatan. Pinakamababang Pangangailangan Blg.1a: Ang mga naipong produkto ay maari lamang mapatunayang organiko kung ito ay nagmula sa isang patuloy na nagbabagong kapaligiran. Ang pag - ani o pangongolekta ng mga produkto ay kailangang hindi lumampas sa likas - kayang ani ng ekosistema o magbigay banta sa buhay ng halaman o sa lahi/uri ng hayop Ang mga naipong produkto ay maari lamang mapatunayang organiko kung ito ay nagmula sa isang patuloy na nagbabagong kapaligiran. Ang pag - ani o pangongolekta ng mga produkto ay kailangang hindi lumampas sa likas - kayang ani ng ekosistema o magbigay banta sa buhay ng halaman o sa lahi/uri ng hayop Ang mga produkto ay maari lamang patunayang organiko kung ito ay nagmula sa malinaw na naipaliwanag na lugar ng koleksyon na hindi nalantad sa mga ipinagbabawal na bagay , na hindi mababa sa isang taon bago ang inspeksyon at pagpapailalim sa normal na inspeksyon KONKLUSYON Ayon sa datus na sinaliksik ng mga mag-aagral sa agrikultura mapapansin natin na lubhang kapakipakinabang ito, lalot higit sa ating mga mamayan na gusting magtayo ng negosyong paghahalaman . Simple lamang ang mga hakbangin subalit nangangailangan parin ng wastong pag aalaga upang mapayabong ang mga ito. Makakaani tayo ng hindi umaasa sa mga makabagong pagsasaka na maari na mang makasira sa lipunan at sa atin ding mga mamayamang kukonsumo sa mga produktong artispisyal. Tagalog news: Kahalagahan ng Organikong Agrikultura, tinalakay sa Philippines DAET, Camarines Norte ni Reyjun O. Villamonte http://www.ugnayan.com/ph/gov/PIA/article/3222 Tinalakay noong Martes, Marso 12, sa little theater ng kapitolyo dito sa probinsiya ang kahalagahan ng paggamit ng organikong agrikultura sa pamamagitan ng Consumer Awareness on Organic Agriculture. Isinagawa ito sa samahan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte para sa unang grupo sa apat na bayan ng Daet, Talisay, Basud at Vinzons sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan. Ayon kay OPAg Acting Provincial Agriculturist Francia C. Pajares, layunin nito na hikayatin ang mga magsasaka na gumamit ng tradisyunal na pamamaraan sa pagtatanim sa pamamagitan ng organikong agrikultura. Aniya, gamitin pa rin ang tamang pamamaraan sa pagsugpo ng sakit at peste sa mga tanim na hindi ginagamitan ng mga kemikal na nakakaapekto sa kalusugan ng tao. Tinalakay naman ang Health, Safety and Wellness sa paggamit ng organiko sa mga pagkain na walang gamit na kemikal at mga sanhi ng sakit mula sa mga produktong may kemikal at kung paano ito malulunasan ganundin ang kahalagahan nito sa kalusugan at kapaligiran. Tinalakay din ang batas at kahalagahan ng paggamit ng organikong abono sa ilalim ng Republic Act 10068 o Organic Agriculture Act of 2010. Ang RA 10068 ay batas ng estado na isulong, palaganapin at paunlarin ang pagpapatupad ng paggamit ng organikong agrikultura sa layuning mapayaman ang mga lupaing tinataniman upang magkaroon ng masaganang ani. Mabawasan ang polusyon at maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran at maprotektahan ang kalusugan ng mga magsasaka at ang publiko at makatipid sa paggamit ng mga inangkat na gamit sa pagsasaka. Ang organic agriculture ay sistema ng pagsasaka na hindi ginagamitan ng anumang kemikal na may masamang epekto sa kalusugan ng tao at nakasisira sa kalikasan. (MAL/ROV-PIA5 Camarines Norte) BIBLIYOGRAPIYA FEBRUARY 13, 2014 BY PHILIPPINE INFORMATION AGENCY REGION 1 http:piaregion1.wordpress.com/2014/02/13/organikong-pagtatanim-panlaban-sa-climate-change/ REGIONAL FIELD UNT IV-B MIMAROPA DEPARTMENT OF AGRICULTURE 1898 http://www.darfu4b.da.gov.ph/produksyon%20ng%20halamang%20organiko.html Philippine Information Agency http://www.ugnayan.com/ph/gov/PIA/article/3222 REPUBLIC OF THE PHILIPPINES LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY SINILOAN (HOST) CAMPUS SINILOAN LAGUNA ORGANIKONG PAGSASAKA ISINUMITI NI: ROMIGUEL T. ALFONSO ISINUMITI KAY: MA. CELICEDAD D. ONERA S.Y 2014-2015

1 komento:

  1. Harrah's Cherokee Casino - Mapyro
    Harrah's 바카라 Cherokee Casino. 777 Casino Parkway, Cherokee, NC, 시흥 출장샵 28719. Directions 파주 출장안마 · (813) 641-5000. Call Now · More Info. Hours, Accepts Credit 김해 출장안마 Cards, Attire, Wi-Fi. Rating: 2.8 · ‎3,941 구리 출장마사지 reviews

    TumugonBurahin